Ispokening Dollar: ‘Weird Affectation’ sa Wikang Ingles

Bobo raw ang mga Pilipinong mahina sa wikang Ingles. Ipinagbubunyi naman natin ang mga kababayang bulol sa sariling wika pero may twang kung magsalita; yaong palagiang magkasundo ang subject-verb agreement; at iyong nakapagsusulat nang walang bahid at perpektong Ingles. Sila ang mga pinupuri, hinahanggaan at pinapalakpakan. Sa bansang tila paliparan lamang kung ituring ng marami,…

Sa Aking mga Kababata

Ang sarap isiping pag-ibig ang nagpapainog sa mundo. Pero sabi ng mga praktikal, pera ruaw talaga ang siyang dahilan kung bakit umiikot ito. Anong magandang kurso? ‘Yung magpapayaman sa ‘yo. Anong negosyo ang magandang itayo? Sa easy money tayo. Saang trabaho dapat pumasok? Sa malaki ang sweldo. At paano nga naman sisisihin ang taumbayan? Sa bansang…

Kung Lilimutin Mo Ako (If You Forget Me / Pablo Neruda)

Nais kong maunawaan mo ang isang bagay. Alam mo kung paano ito: kung lilingon ako sa kristal na buwan, sa natutuyot na pulang tangkay dala ng mabagal na taglagas sa ‘king durungawan kung susubukin kong malapit sa apoy na tangan ang ‘di malikom na abo o ‘di kaya’y ang nangungulubot na troso, lahat ng ito’y inihahatid ako…

Eastern Samar: Matapos ang Unos

“Ano’ng wish mo?,” tanong ko kay Davel, labing-isang taong gulang at mag-aaral ng Grade 4. Matipid pero tiyak ang sagot ng yayat na bata: “Sana po mabigyan pa kami ng trapal.” Mabilis kong pinutol ang wala pang limang minutong panayam dahil namumuo na ang tubig sa ilalim ng mga mata ko. Sa dinami-rami ng mga nakapanayam…

VFA and the Murder of Jennifer Laude

Co-written with Lian Buan One year after the death of transgender woman Jeffrey Jennifer Laude, SubSelfie.com provides an update to the case filed against the suspect L/Cpl. Joseph Scott Pemberton. Guilty Verdict December 1, 2015 — The Olongapo City Regional Trial Court Branch 74 of the Philippines ruled that US Marine Joseph Scott Pemberton is “guilty…

Oda sa Telebisyon

Black and white at de-pihit pa noon ang lipatan ng channel ng TV at mauuso pa lang ang remote control, isa nang ritwal sa aming pamilya ang panonood ng balita sa gabi. Salimpusa pa lang ako sa Barangay Day Care Center at kasagsagan ko pa lang sa pagtuklas sa ba-be-bi-bo-bu nang makilala ko ang balita. Dahil…

Ang Romansa Ko sa Bangkok

Isang karagatan lang ang pagitan ng Maynila at Bangkok. Wala pang anim na oras ang biyahe sa eroplano para marating ang kapitolyo ng kaharian ng Thailand na tinuguriang City of Angels. Pero kung pagkukumparahing maigi, tila milya-milya na ang pagitan ng dalawang syudad. Wala na sa hinagap ko kung kailan ko nakilala ang Bangkok. Sa apat…

Note to Self (and Colleagues)

Antonio, Lagi’t lagi sa tuwing gagawa ka ng mahalagang desisyon sa buhay, napaparasal ka nang taimtim kahit hindi madasalin, sukdulang mabulabog ang lahat ng mga santo at santa sa kalangitan. Noong 2012, hindi ka pa nakuntento sa mga nobena. Dumayo ka pa sa pusod ng Maynila para magpahula. Marami siyang sinabi pero ang ilang daang…

Lupang Tinubuan

Ang Pilipinas, may mahigit pitong libong isla. Maraming beach (at, oo, pati bitch). Pero ang mas inaasahan at pinagkakakitaan, mga lupang sakahan at mga dagat na pangisdaan. Dalawa sa bawat limang manggagawang Pilipino, nasa agrikultura. Dalawang piso sa bawat sampung piso ng Gross Domestic Product, mula sa sektor na ito. Kung isasama pa ang mga industriyang upstream at downstream, halos…