Pamana ng mga Lola

Maalinsangang Sabado ng hapon, at malayu-layo ang nilakbay ng isang grupo ng mga babae mula sa Candaba, Pampanga.

Suot ng mga Lola ang mga bulaklaking ternong wari’y naghuhudyat ng panibagong tagsibol, ng bagong pag-asa sa kabila ng madilim at malungkot nilang nakaraan bilang comfort women.

Dala marahil ng edad at sampu ng marami nilang kasamang inagaw ng karamdaman, handa na ang mga Lolang ipamana ang kanilang laban para sa hustisya, tamang kabayaran, at sapat na pagkilala sa kanilang kasaysayan. Ito ang tatlong bagay na matagal na nilang hinihingi at ipinaglalaban. Tatlong bagay na hanggang ngayon ay ipinagkakait sa kanila ng gobyernong Hapon.

Title

Kaya sa isang exhibit sa Ateneo De Manila University sa Quezon City, malinaw ang panawagan ng mga Lola sa mga Pilipinong kabataan—mga itinuturing na nilang mga apo—na muling buhayin ang tila nalimot at nabaon na ngunit wala pa ring resolusyong usapin sa Comfort Women.

Malinaw ang pambungad ng exhibit na “In The Spaces We Mend: Inheriting the Unfinished Narrative of Filipino Comfort Women (Sa Mga Puwang na Hinihilom: Pamana sa mga ‘Di Natapos na Naratibo ng mga Pilipinong Comfort Women).”

“Ang mga kwento ng Pilipinang Comfort Women ay malayo pa sa huling kabanata. Ang nararamdamang pait ng mga nakaligtas, na patuloy na nananawagan sa resolusyon, ay ang puwang na malaon nang dahilan ng kanilang galit, panaghoy at lumbay. Subalit ang siya ring puwang ang posibleng mag-anak sa pag-asa,” saad ni Celline Mercado, mag-aaral ng Art Management na nagtatanghal ng exhibit sa Old Rizal Library hanggang sa Abril 13.

Photos of lola

Kaya sa interactive exhibit na ito, sinasariwa ang mga mapapait na karanasang wala sa maraming aklat, maging sa kamalayan ng maraming kabataan.

Exhibit gensits

Mabigat ang mga talang nakatanghal. Wari kang binabangungot nang gising. Ngunit hindi ito dapat ipagkamali sapagkat higit sa kathang-isip, ito ang katotohanan.

Bahay na Pula

Ang modelo ng Kastilaloy na pulang buhay sa San Ildefonso, Bulacan na piping saksi sa pagpapahirap, panggahasa at pagkamatay ng maraming Pilipinang Comfort Women sa kamay ng mga sundalong Hapon.

Nagsabit din ang mga ritrato ng mga biktima na ang ilan ay larawan na ng kanilang mga huling sandali.

Richard's exhibit
Tukador

May mga dokyumentaryo ring nagsasaysay ng hirap at pasakit na saykolohikal na dinanas ng mga Lola.

Dokyu

Kung madali lamang sanang maghilom ang mga sugat ng nakaraan, kung natuturuan lamang sana ang isip na limutin ang malungkot na kahapon, di sana’y wala nang puwang ang pag-alala, at matagal nang nanahimik ang mga Lola.

Ngunit ang kanilang mga salaysay ay dapat pang isaysay, sapagkat ang huli nilang pahina ay nananatili pa ring blangko, naghihintay ng katapusan, nag-aabang ng resolusyon.

Lalo higit sa kwento, ang kasaysayan ng mga Lola ay patuloy na lunan na tunggalian, ng pakikibaka at ng paglaya.

Picture ng mga lola

Tungkol sa Manunulat:

Subselfie - Toni

Punong Patnugot ng SubSelfie.com sToni Tiemsin.

Matapos sumabak ng ilang taon sa mundo ng peryodismo, telebisyon at development communication, kasalukuyan siyang nasa Ogilvy Philippines, isang communications at marketing agency.

Mababasa ang iba pa niyang mga akda rito. Para sa kanyang mga kuha at ritrato, siliin ang kanyang Instagram.

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.