Pamana ng mga Lola

Maalinsangang Sabado ng hapon, at malayu-layo ang nilakbay ng isang grupo ng mga babae mula sa Candaba, Pampanga. Suot ng mga Lola ang mga bulaklaking ternong wari’y naghuhudyat ng panibagong tagsibol, ng bagong pag-asa sa kabila ng madilim at malungkot nilang nakaraan bilang comfort women. Dala marahil ng edad at sampu ng marami nilang kasamang inagaw…