Naglaladlad at naglalahad, ‘Scientibs Times’

Isang mapagpalayang araw, mga mumsh!

Lahat ng may kuwento ay may kuwenta. Pero hindi lahat ng kuwento ay naibabahagi at nabibigyang buhay bilang istorya – lalo na kapag ito ay may kinalaman sa kontribusyon ng mga bading, tibams, bi, trans sa siyensya.

Saklap, ‘di ba?

Sa buong Pilipinas, kapag nagtanong ka sa tanan kung may kilala silang siyentipikong Pilipino, ang karaniwang sagot ay sina Agapito Flores (walang malinaw na ebidensiya ng kaniyang pagkaimbento diumano ng fluorescent lamp), Mang Tani at Kuya Kim. Paglilinaw: si Mang Tani o Nathaniel Cruz ay isang meteorologist, isang uri ng siyentipiko na naglalayon na mas maunawaan at mas mapag-aralan ang panahon. Samantala, si Kuya Kim o Kim Atienza ay kilalang host ng mga science-related shows at tagapag-ulat ng panahon noong siya ay nasa ABS-CBN.

Mangilan-ngilan, may makakaalala kay Dr. Fe del Mundo na nagtatag ng pinakaunang pediatric hospital sa Pilipinas at nag-imbento ng isang tipo ng incubator na gawa sa kawayan. Si Dr. del Mundo ay isa sa 42 na mga itinanghal na National Scientists ng Pilipinas.

Sa buong kasaysayan ng Pilipinas, palaisipan kung may makaaalala kung may bakla o tomboy o trans na siyentipiko?

Panahon na para baguhin ito. Hindi tayo pinalaki ng Sexbomb girls para lang manahimik at payagan na tayo ay patahimikin.Laban at ating bawiin ang lugar nating mga LGBTQI peeps sa kasaysayan ng teknolohiya at agham.

Sa ganitong pangarap nabuo ang konsepto ng Scientibs Times. Noong una ay ninais lamang ng dalawang magkaibigan magkaroon ng espasyo para sa ibang uri ng peryodismong naaakma sa makabagong panahon kung saan mas prayoridad ang online kaysa offline bilang source ng balita, mas nakababad ang mga tao sa social media, at may lumalaking oportunidad para sa pagkukwento sa pamamagitan ng direktang email. 

Lakip ang mga adbokasiya ukol sa pagpapalawig ng impormasyon tungkol sa mga gawaing agham at teknolohiya sa Pilipinas at ng mga Pilipino sa buong mundo, pagbabahagi ng mga natatangi at mahahalagang isyu tungkol sa siyensiya, lalo na at nasa superhighway ang Pilipinas ng mga kalamidad, at pagme-mainstream ng mga usaping kasarian sa loob at labas ng laboratoryo, minabuti namin – Ruby Shaira Panela at Purple Chrystyl Romero – na simulan ang newsletter na ito.

Una sa lahat, kaming dalawa ay mamamayang Pilipino. 

Ikalawa, lumaki kami sa mundo ng pamamahayag at pagbabalita. 

Ikatlo, mga miyembro kami ng komunidad na lagi na lang kailangang magpakilala – ang LGBTQIA+ community. 

At huli, mga tagapagtaguyod ng paniniwalang may espasyo para sa mga bakla, tibo, trans, bi, pan, ace, at iba pa sa agham at teknolohiya.

Ang mga May-akda

Ruby Shaira Panela (pronouns: they/she…siyete! Kimmy lang! She/her, pramis)

Si Shai ay nagsisilbing Media Relations and Social Influence Specialist sa International Rice Research Institute (IRRI). Sa labas nito, siya ay nagtuturo ng science journalism, at nagsisilbing consultant ng iba’t ibang organisasyon para sa mga gawaing may kinalaman sa science communication at media engagement. Ang kaniyang mga sulatin ay nailathala sa Rappler, GMA News Online, Mongabay, Nature Index, Asian Scientist, SciDev.Net.

Purple Chrystyl Romero (pronouns: she/her)

Kasalukuyang nagtatrabaho si Purple sa Hong Kong bilang freelance journalist, fact-checker, at bilang Teaching Assistant sa University of Hong Kong Journalism Department. Lumabas ang kaniyang mga artikulo ukol sa climate change, health at biodiversity sa vice.com, South China Morning Post, Scidev. Net, Mongabay, AFP, at iba pa. Sumusulat din si Purple ng mga movie reviews, tula, maikling kwento, at nobela gaya ng “Dito sa Purple House.”

Aries Oliveros  currently works as executive assistant to the Executive Director of the Philippine Science High School (PSHS) System. He taught English and Literature for 15 years at Paco Catholic School, Philippine Normal University (PNU), and PSHS – Central Luzon Campus. He wrote textbooks on grammar and creative nonfiction. He was formerly Chief of the Curriculum and Instruction Division at PSHS-CLC and adviser of the school papers, The PCS Gazette and The Central Scholar.

He studied Bachelor of Secondary Education, Major in English at PNU, Manila where he graduated cum laude. In 2015, the Department of Education awarded him as Outstanding School Publication Adviser of the Philippines during the National Schools Press Conference (NSPC) in Taguig City.

Leave a comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.