Kung Lilimutin Mo Ako (If You Forget Me / Pablo Neruda)

Nais kong maunawaan mo
ang isang bagay.

Alam mo kung paano ito:
kung lilingon ako sa kristal na buwan, sa natutuyot na pulang tangkay
dala ng mabagal na taglagas sa ‘king durungawan
kung susubukin kong
malapit sa apoy
na tangan ang ‘di malikom na abo
o ‘di kaya’y ang nangungulubot na troso,
lahat ng ito’y inihahatid ako patungo sa ‘yo,
na tila lahat ng pangngalan,
amoy, liwanag, metal
ay mga bangkang
naglalayag
patungo sa ‘yong dalampasigan kung saan ka nag-aabang.

Ngunit, ngayon,
kung unti-unting napaparam ang ‘yong pagtingin sa akin,
pipigilin ko na ang magmahal nang paunti-unti.

Kung biglaan
ika’y nakalimot
wag mo na akong hanapin pa,
‘pagkat nalimot na kita.

subselfie-valentines-pablo neruda-kung lilimutin mo-england-lavender fields-hatfield

Kung sa palagay mo’y kabaliwan,
ang pagdaluyong ng hangin
sa ‘king kapalaran,
at napagtanto mong
iwan na lamang ako sa dalampasigan
ng pagmamahal kung saan naroroon ako,
alalahanin mo
sa araw, at oras na iyon, ako’y yayao
upang sumumpong ng panibagong dalampasigan.

Ngunit,
kung dinatnan ka ng panahon,
bawat sandali,
napagtanto mong ako’y nakalaan para sa ‘yo
nang walang sintamis,
kung sa tuwina,
mapagtanto mong ako’y nais masumpungan
mahal ko,
ang apoy ay patuloy na nagniningas,
sa aki’y walang naglaho ni nalimot,
nabubuhay ito sa ‘yong pag-ibig, aking irog,
at hanggang ika’y nariyan mananahan ito sa iyong bisig
nang ‘di ako nililisan.

Matingkad na kulay ng langit sa pagtatapos ng isang araw.
Tagpuan ng liwanag at tubig

About the Author:

Toni Tiemsin is the Editor-in-Chief of SubSelfie.com.

Read more of his articles here.