
Dahil sa confirmation bias, lumalaganap ang fake news.
Ano nga ba ito? Basta pabor sa atin ang isang bagay, iisipin na natin na totoo ‘yon. Sources be damned. Ito ang paghahanap at pag-alala sa mga impormasyong sang-ayon sa mga pinaniniwalaan natin.
Kaya minsan kahit peke talaga ang balita, pero sumasang-ayon tayo rito, malaki ang posibilidad na maniwala tayo rito.
Kapag naman pupunahin ang mga nagpapakalat o naniniwala sa fake news, aawayin ka nila o hindi papansinin — block!
Kung nakaka-badtrip na kaagad kahit hindi lang naman sumasang-ayon sa inyo. Paano pa kaya kung sabihan kang mali? Siyempre, kapag sinabihan kang mali ng ibang tao, maaari kang masaktan o mainis.
Kaya naman mahalagang pagsubok ang fake news sa pagpapatibay ng ating mental health.
Hindi porke matalino ka o graduate ng tanyag na unibersidad, masasabing may matino at matibay kang mentalidad kaagad. Marami akong kaklase, kakilala at kahit propesor sa UP na nabiktima ng fake news. Yung iba, hindi lang nabiktima at nauto, talagang nagpapalaganap pa. Hindi ko lang alam kung sadya ‘yon o ayaw lang talaga nilang makaramdam ng cognitive dissonance.
Kung gusto maging mas kritikal at mas mahusay mag-isip, sanayin ang sarili na malaman kung ang nabasa mo ba’y totoo o peke. Madali lang naman. Kapag may nabasa kang headline, ang unang itatanong sa sarili — “Totoo ba ‘yan?”
Double check. GMG. Google mo’t galingan!
Pabor man o hindi sa paniniwala mo, magduda palagi. Mahalaga ito para humusay sa pagsasala ng fake news. Kapag pinaniniwalaan ang lahat ng nakikita sa Internet, pasensiya na, pero mahina kang mag-isip. Hindi ka bobo, pero hindi ka rin marunong mag-isip nang tama.
Kung magpapadala sa fake news, indikasyon ito na tamad kang mag-isip. Kapag tamad kang mag-isip, nakakababa ito ng IQ. At kapag mababa ang IQ ng isang tao, malaki ang posibilidad na maaga siyang mamamatay — totoo ‘yan ayon sa isang pag-aaral. Basahin mo rito. Hindi ito fake news.
Kung nagdududa ka sa sinabi ko, tama ang ginagawa mo. Keep it up.
Editor’s Note: Unang inilathala ang blog entry na ito sa Sankage Steno, at may pamagat na “Ang paniniwala sa fake news ay nakakaikli ng buhay.”
Featured Image by David Gomes from Pexels
[Entry 233, The SubSelfie Blog]
About the Author:

Isang MIMS editor si Steno Padilla at blogger sa Sankage Steno.
Parang Selective Process theory, people choose to which media they pay attention
LikeLike