Mga Kwentong Laman

Tales from a Broken Bastard. Written by Sherwin Pescasio for SubSelfie.com.

Sabi ng puso ko, mahal ko siya.

Sabi ng utak ko, ‘wag! Hindi tama.

Sabi ng bituka ko, naguguluhan ka na. Gutom lang ‘yan.

Sabi ng kidney ko, hindi siya nararapat sa’yo. Dapat piliin mo lang ang mga nakakabuti para sa iyo.

Sabi naman ng puwet ko, hindi ka talaga magugustuhan nun! Tignan mo nga ang itsura mo, magkamukha tayo!

Sabi naman ng mukha ko, SHADAP YOU *&^%$#@!! *SSHOLE!

Sabi ng puwet ko, UTOT MO!!!

Sabi ng etits ko, “May I go out” na nga muna ako, walang kwenta ang pinag-uusapan ninyo.

Sabi ng kamay ko, ulul! Eto sa’yo! (gives “sign”)

Sabi ng isa ko pang kamay, astig sa hirit! (sabay appear!)

Sabi ng etits ko, eh mga tanga pla kayo eh, ako talaga yan! Bobo!!!

Sabi naman ng kaliwang paa ko, taena ang iingay ninyo! Eh kung tumalon kaya ako sa bangin para magsitigil kayo dyan!

Sabi ng kanang paa ko, pare ‘wag naman. Gusto ko pang maglakad sa buhay. Palibhasa hindi ka marunong sumayaw.

Sabi ng kaliwang paa ko, haha funny! Whatever!

Sabi ng mga kamay ko, guys, ganito ‘yan o, whatever! (shows “W” sign)

Sabi ng bibig ko, (ala ate guy) WALA KAYONG KARAPATANG MAGSALITA! AKO LANG! HMPH!

Tumahimik lahat… nang saglit lamang, dahil binasag ni puwet ang katahimikan. Alam niyo na kung ano ang tunog.

Sabi ng puso ko, kung ihihinto ko ang pag-ibig ko sa kanya, baka hindi na ko tumibok. Lahat tayo mananahimik sa kawalan. Mamamatay tayong lahat.

Sabi ng kuko ko sa paa, uy hindi ah! Matagal na kong charush!

Sabi ng tenga ko, HALA! Nagmumulto!

Sabi ng ilong ko, huwag ka nang sumabat, tenga! Makinig ka na lang!

Sabi ng mata ko, hay… mabuti pa, itulog na lang natin ang problemang ito.

Sabi ng unconscious mind ko, GANON?!? Ako na naman pahihirapan ninyo!

ITUTULOY… (pagkagising ulit)

*Sipi ang kathang ito mula sa inipong “Tales from the Broken Bastard,” o mga hugot mula pa noong 2008.

[Entry 210, The SubSelfie Blog]

About the Author:

Sherwin Pescasio

Sherwin Pescasio is the Art Director of SubSelfie.com. He is presently a News Producer and Master Editor for GMA News, particularly the award-winning newscast State of the Nation with Jessica Soho. He is also a Freelance Editor, Videographer and Artist for Digital Dreams Inc. Fine Arts major in Advertising 2004, UST.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s