Survey Says…Top 15 Chances in UP Kaysa Ma-recruit sa NPA

January 18, 2021.

Pumutok ang balitang nagdesisyon ang Department of National Defense na unilaterally ay isawalang-bisa ang UP-DND Accord—isang kasunduang pumipigil sa kapulisan at military pumasok sa mga UP campus nang walang permiso mula sa administrasyon ng UP.

May mga nagrehistro ng matinding pagkundena. May mga sumang-ayon at gumatong. Umani ito ng  samu’t saring reaksyon mula sa kung kani-kanino—ordinaryong Juan, mga kilalang personalidad, mga mambabatas, mga dedees, delawan at netizens.

Ang mga Isko at Iska, dinala ang #UPFight sa pa-witty-han ng mga meme, throwback pictures ng mga nene at totoy days at oldie but goodie na alaala sa buhay-UP.  

Mabilis na kumalat ang isang challenge mula sa isang viral tweet:

At dahil mga Isko at Isko rin ang ilan dito sa amin sa SubSelfie, may mga baon din kaming galing sa baul.

Narito ang ilang mas madalas at mas may tiyansang mangyari kaysa marekrut ka ng NPA sa UP, base sa aming karanasan.

1. Bentahan ka ng graham balls, crinkles at Stick-O

Minsan malaki, minsan katiting yung marshmallow sa loob; pero laging nasa tub. Minsan wala ka nang barya pero mapilit si ate o koya na nagbebenta at mukhang haggard na siya kaya give ka na.

2. Maimbita sa Bible study o maipakilala sa salita ng Diyos

Madalas habang papasok sa AS, nakatambay sa AS o habang kumakain ka ng monay with cheese o peanut butter. Minsan din habang pauwi ka, nagmumuni-muni sa Acad Oval o nagbi-briskwalk papasok sa klase.

3. Makausap ka about God the Mother

Parang masasabing rite of passage ito sa pagiging Isko o Isko 

4. Maimbita sa pakain ng org, frat o soro

Tapos pasimpleng bibigyan ng leaflet para sa applicant’s orientation o kaya iimbitahan sa exclusive meet and greet sa mga brod at sis

5. Maimbita sa Sarah’s, TK o Drew’s

Kunwari two botts lang pero ang ending walwalan o weng-weng. Tapos bahala na si Batman bukas 

6. Mabentahan ng panali sa buhok

Kahit kitang kita yung maikling buhok mo na kahit sanrio hindi keri

7. Makakita ng mga naglalampungan sa lagoon o sunken garden, minsan kahit sa Ikot jeep

Oo sila na nga po ang may jowa. Laude or landi who?

8. Makasalubong o madaanan si Zorro

Pwede mo rin siyang apiran

9. Makasalubong ng artistang nagja-jog sa acad oval

Natitiyempuhan si Papa P na dati raw Tuesday o Thursday yata ang madalas na punta 

10. Makakita ng nakapambahay na papasok sa klase

Minsan halatang bagong gising at nagmadali para umabot sa klase, pero malamang sa alamang nakatsinelas

11. Makakita ng pawisang estudyanteng humahabol sa 15-minute grace period bago sarhan ng pinto sa klase

Tumakbo pa ‘yun siya ng pagkalayo-layo kasi mali siya ng na-enlist na klase. ‘Di niya alam na magkalayo ‘yung building. Malamang freshie

12. Marekrut na respondent sa mga psych experiment

Wala namang pilitan. 

13. (noong unang panahon) mapasabak sa line up o talent show para sa prerog sa klase

Dito mo mapapakinabangan ang hidden talent mula pa sa high school Foundation Day

14. Magkajowa. Daw.

Bakit kelangang mamili sa laude or landi when you can have both? Minsan may clear skin pa. Tapos masarap pa ulam nila. #blessed

15. And the list goes on. May iba pa ngang kuno’y nagtampo na hindi raw nalapitan para marekrut sa Kilusan.

#DefendUP

Mapa-seryosong komento, witty meme o throwback post man ang paglalahad ng saloobin, maisusuma pa rin sa piling mga salita ang nais nilang lahat na tumbukin.

Hands off UP.

Stop campus militarization.

Uphold the UP-DND Accord.

Defend UP

UP Fight.

About the Author

Edma is the Advocacy Manager of SubSelfie.com. She is a freelance multimedia writer-producer with more than a decade of experience in news writing, multimedia production and storytelling.

She previously worked as a senior writer in several shows in GMA News, most notably, State of the Nation with Jessica Soho. She is part of the team that won GMA News the prestigious George Foster Peabody Award for the news coverage of super typhoon Yolanda in 2013.

She is an advocate of human rights, media workers’ rights and women’s rights. She loves dogs, travelling, tattoos and crime shows. Most importantly, she is the proud owner-baker of her baby—the small, home-based business Edma Bakes.

Journalism 2010 (cum laude), UP Diliman.

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.