ABS-CBN Shutdown, a Disservice to the Filipino

May mahaba akong essay na laan sana rito ito, pero na-realize ko, parte ng pribilehiyo ko bilang bahagi ng industriyang ito na naiintindihan ko ang koneksyon ng kagustuhang ipasara ang ABS-CBN sa pagsikil sa kalayaang mamahayag.

Pero hindi lahat gets kung bakit mahalaga ito.

‘Yung iba, hindi makaalis sa sarili nilang privileged bubble kaya hindi ito naiintindihan.

‘Yung iba naman, sadyang hindi well-informed kaya palagay nila, mabuting bagay ito.

Ang kagandahan sa demokrasya, maski ano ka sa dalawang ‘yan, ipaglalaban ng media gaya ng ABS-CBN ang karapatan mong malaman ang katotohan para mabuhay ka nang maayos bilang isang Pilipino. ICYMI, nasa konstitusyon ‘yan.

Pero hindi lang ‘yan ang ginagawa ng ABS-CBN. True to its slogan — In the service of the Filipino worldwide — marami ring mga gap sa serbisyo ng gobyerno gaya ng communication, health care, disaster assistance, legal help, at marami pang iba ang tinutugunan ng network, mula noong itatag ito, hanggang ngayon.

Mahirap ‘yang ma-appreciate kung hindi mo kinailangang maghinagpis para sa alin man sa mga ‘yan hanggang masaklolohan ka. Totoo ring hindi ito utang na loob sa network, kaya nga kahit sabihin nating natulungan ka ng network sa pamamagitan ng mga ‘yan at hindi mo na-appreciate, oks lang.

Pero paano na kapag ang pinakamalaking media network sa bansa, matagumpay na naipasara ng gobyernong aminadong na-offend nila? Sino na ang tutugon sa gap sa mga serbisyong ito? Higit sa lahat, sino na ang lalaban para sa katotohanan at demokrasya?

Dapat naman talaga gobyerno ang tumugon sa mga serbisyong ‘yan kasi mandato nila ‘yan at may budget na laan para dyan. Pero maaasahan ba talaga natin sila na gawin iyon kung hindi tayo informed sa kung ano ang mga ito?

Kung magipit tayo, masisingil ba natin sila kung hindi natin alam kung ano ang sinisingil natin sa kanila?

Totoong may iba pang players sa industriya, pero pinakamalaki ang ABS-CBN, may pinakamaraming platform at reach. Anong mensahe ang iiwan ng kaso ng ABS-CBN sakaling magtagumpay ang move ng gobyerno na ipasara ito?

Ano na ang mangyayari sa press freedom kung nakadepende rin lang ang mga ito sa kapritso ng namumuno?

Ang una kong kutob, makukuha na ng ilan ang pinapangarap nilang overload sa ‘good news.’ Pero gaano karaming katotohanan ang kaya mong pikitan sa ngalan ng ganyang klaseng pribilehiyong meron ka: ang makapili ng katotohanang gusto mong makita o maging bahagi ka?

Para sa maraming Pilipino, ‘yung mga katotohanang kayang isnabin ng ilang may pribilehiyo, realidad na araw-araw nilang kinakaharap, nakapikit man sila o nakamulat.

Kung ipapasara ang ABS-CBN at patuloy na sisikilin ang press freedom, lalo lang mawawalan ng chance ang iba na maging informed at ma-exercise ang karapatan nila bilang mamamayan para bumuti ang buhay nila. Kung privileged ka naman, pwede ka pa ring patuloy na mabuhay sa privilege mo, kasi baka hindi mo na rin naman mamalayan kung anong privilege o karapatan na ang ipinagkait sa iyo.

Ang weird siguro nu’ng ganung klaseng mundo, ‘yung hindi mo na alam alin ang totoo sa hindi? Mas weird lalo kung paniwalang paniwala ka sa akala mo totoo, pero ‘yun pala, parang naging kakuntsaba ka pa sa kasinungalingan kasi naniwala ka. Ang weird siguro talaga kung may ganung mundo. Napaka-weird siguro talaga. At nakakatakot. Nakakatakot maging hindi sure.

Nakakatakot kapag hindi mo alam ang totoo.

#DefendPressFreedom #NoToABSCBNShutdown

[Entry 286, The SubSelfie Blog]

About the Author:

Subselfie - Dawnavie
Dawnavie Dadis is a Producer for ABS-CBN Integrated News and Current Affairs. Doing the laundry is her form of mediation. The shower is her territory for musings.

She is a story and a story-teller. She previously worked for GMA News as a Segment Producer for News TV Quick Response Team (QRT) and as a News Producer for the morning newscasts Unang Hirit and Kape’t Balita. Journalism 2012, UP Diliman. Read more of her articles here.

2 Comments Add yours

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.