Mula Maginhawa hanggang Mindanao, #CommunityPantry nasa 200 na

Pansamantala mang nagsara ang unang community pantry sa kalye ng Maginhawa sa Quezon City, tila ba virus ring simbilis kumalat ang kabutihang loob na nagtaguyod sa humigit-kumulang 200 pantries sa buong bansa.

Sa isang crowd-sourced online tracker na ginawa ng grupo ni Kevin Tagani, Chief Agriculturist at CEO ng Tagani Pilipinas, umabot na sa 229 ang naitalang bilang ng mga community pantry mula Luzon hanggang Mindanao, hanggang umaga ng Martes, Abril 20.

Mahigit 50 porsyento sa mga ito ay nasa Kamaynilaan, habang meron din sa Palawan, Bohol, Iligan City at Davao City.

Source: https://sites.google.com/tagani.ph/communitypantryph/
Source: https://sites.google.com/tagani.ph/communitypantryph/

Saad ni Kevin Tagani sa isang panayam, “We started the community pantry map kasi we wanted to know how many they are already. Being an Agriculturist, and data visualization geek myself, I was intrigued about the trends.”

“We see now na mas madaming pantries sa population dense areas na may mga kaso ng homelessness and kalasan, lower income brackets din. Nandyan na din yung coordinating donations and volunteer help. Para malaman din natin saan pa kailangan ng pantries—saan pa may gutom,” dagdag ni Tagani.

‘Sapat lang’

Malayo na nga ang naabot ng panawagang “Magbigay ayon sa kakayahan, kumuha batay sa pangangailangan.”

Iyan ang tumatak na linya mula nang buksan ni Ana Patricia Non ang community pantry noong Abril 14, 2021, na nagbigay inspirasyon sa marami upang tumulong sa mga kapos-palad ngayong mahigit isang taon na ang lockdown at quarantine sa maraming lugar sa bansa.

Mula nang ideklara ang panibagong Enhanced Community Quarantine sa Kamaynilaan at ilang kalapit-probinsya noong Marso 29, na kasalukuyang Modified Enhanced Community Quarantine na sa NCR at mga kalapit na probinsya, namigay muli ng ayuda ang mga LGU.

Ngunit bukod sa mabagal ang pamamahagi nito, hirap pagkasyahin ng marami ang P1000 kada pamilya para sa patuloy na community quarantine na hanggang Abril 30

Inspirasyon sa pagtulong

Tiyak na maraming Pilipino ang gustong makatulong sa panandaliang pantawid-gutom ng mga taong nangangailangan at kapag pinagsama-sama ang mga nais lumahok sa inisyatibong ito, mas mapapanatili ito sa katagalan. Kaya naman dumagsa na rin ang bilang ng mga community pantry sa bansa.

Kahit pa, sa loob ng anim na araw ng paglaganap ng inisyatibong sinimulan ni Ana Patricia Non, kaliwa’t kanang muli ang red-tagging sa mga nagtatayo ng community pantry, o pagtuturo nang walang sapat na ebidensya na sila ay miyemro ng Partido Komunista ng Pilipinas.

“The pantries are so concrete, spontaneous, so easily replicable, the exchange so instinctive and heartening, naturally community-building, with such openness that people contribute time and skills and thinking of linking them up to community gardens…” sabi ni Glenn Diaz, isang Palanca awardee at award-winning na manunulat, sa isang tweet.

Narito ang ilan sa mga bagong tayong community pantry.

Astro Park, Balibago, Angeles City

Source: ttps://pampanga360.com/wp-content/uploads/2021/04/balibago-community-pantry-768×919.jpg

San Miguel, Puerto Princesa City

San Roque Church, Caloocan City

Sta. Monica, Novaliches, Quezon City

Barangay Lumingon, Tiaong, Quezon

Barangay Guadalupe, Cebu City

Barangay Del Rosario, Baao, Camarines Sur

Sucat, Muntinlupa

Jaro, Iloilo City

San Juan, Batangas 

Ilan lang ang mga ito sa mga dumarami pang community pantry, na ngayo’y may iba’t ibang klase na rin tulad ng GoBike Pantry Bike na naghahatid ng pagkain at serbisyong medikal gamit ang bisikleta.

Meron na rin Community PAW-ntry para sa mga may alagang aso at pusa.

Altruism

Maaring ipaliwanag ang pagdami ng community pantries sa bansa sa lente ng altruism o ang mga hindi makasariling gawain para sa ikabubuti ng karamihan.

Ayon sa pag-aaral, mas umiigting ito sa panahon ng krisis upang magpatuloy sa buhay ang mga naghihikahos at nangangailangan ng tulong.

Bukod sa mga community pantry, makikita rin ang kolektibong aksyon ng mga mamamayan upang maghatid ng tulong, tulad ng pagbibigay ng donasyon at pagtulong sa pagkalap at pagpapalaganap ng impormasyon.

No to red-tagging

Ngunit ang intensyong makatulong, nababahiran ng takot para sa mga nagbibigay dahil sa pamimintang ng ilang grupo na pawang komunista ang mga nagtataguyod sa mga community pantry.

“It’s dangerous. Nakakabahala siya. Miski kami tinanggal namin muna yung ibang details kasi ginagamit siya para sa surveillance ng mga advocates. We are now making ways para hindi magamit yung tools na ginawa namin para may masaktan o maagrabyado. It’s our responsibility bilang double-edged sword naman talaga ang technology,” sabi ni Tagani.

Dagdag niya, “Tandaan natin na ang mga community pantries ay sintomas ng kakulangan ng estado, kakulangan ng gobyerno. Hunger has always been an issue here in our country even before the pandemic. Mas lumala lang dahil sa mga Covid-19 at maling pamamalakad.”

Paano tumulong?

Sa mga nais magpaabot ng tulong o donasyon sa mga community pantry, maaaring bisitahin ang #CommunityPantryPH tracker ni Kevin Tagani sa https://sites.google.com/tagani.ph/communitypantryph/ 

May ginawa ring mapa si RK Aranas para mas madaling matukoy kung saan-saan ang mga malalapit na community pantry sa iyo.

Source: https://geonin.xyz/nearest-community-pantry-ph/pantry.html

Buhat ang customized map na ‘yan sa mapang nasa ibaba na ipinapakita ang iba’t ibang lokasyon ng mga community pantry sa ibang bansa.

Source: https://saanyan.github.io/saanmaycommunitypantry/

Mula sa Patnugot: Updated ang bersyon na ito kung saan itinama kung kanino ang huling dalawang mapa at may dagdag-ulat mula sa panayam kay Kevin Tagani.

About the Author

Tricia Allyson Salvador is a Communication student from the University of Santo Tomas and currently an intern of SubSelfie.com.

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.