Heartbreak Playlist: O Kung Paano Dinevastate ng Pag-ibig Ang 4 out of 5 sa Atin*

*Pasintabi sa aming idolong manunulat na si Sir Ricky Lee.

Lagpas limang buwan na tayong naka-quarantine dahil sa pandemya, at tiyak marami sa atin, naipon na ang kinikimkim na emosyon.

Ang iba sa ati’y hindi mawala ang pagkabahala dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng COVID-19 cases, kawalan ng trabaho, at iba-ibang balita na ating nasasagap araw-araw.

Habang ang iba nama’y nangungulila dahil matagal nang hindi nakakasama ang kanilang pamilya o mga kaibigan.

Sa kawalan ng mga nakasanayan nating outlet tulad ng pamamasyal, paglabas kasama ang barkada, shopping, o simpleng paglalakad lang sa labas para makapag-isip at magpahangin, nagbababad tayo ng mga pelikula —para kahit papaano’y mailabas ang nararamdaman.

Narito ang ilang piling pelikulang Filipino sa Netflix at ang mga kaakibat nitong iba’t ibang heartbreak na lahat tayo ay makaka-relate. Spoiler Alert!

Kung Paano Siya Nawala (2018)

Heartbreak: Iniwan ka kasi mahirap ka nang mahalin

Hearbreak level: 💔💔💔  

“Alam ko naman kung bakit mo ako pinili eh. Kasi madali akong iwan.”

‘Yan ang makabasag-pusong linyang binitawan ni JM De Guzman na gumanap bilang Lio—isang lalaking may medical condition na face blindness kung saan madali niyang nalilimutan ang mukha ng mga taong hindi niya laging nakikita, at kasabay nito’y madali rin niyang nalilimutan ang kanyang mga nararamdaman sa mga taong kanyang nakakasama.  

Nagbago ang lahat ng makilala niya si Shana na ginampanan ni Rhian Ramos. Pinili niyang palaging makita si Shana at sinubukan nilang kumapit sa kanilang pagmamahal para sa isa’t isa.

Pero sa dami ng isyu ng nakaraan, pagkakamali at ugaling hindi nila matanggap, naglaho na parang bula si Shana habang si Lio ay naiwang limot sa kanyang mukha, ngunit nanatili ang nararamdaman.

Through Day and Night (2018)

Heartbreak: Nasaktan ka pero ‘di ka nagsisising minahal mo siya

Heartbreak level: 💔💔💔💔💔  

In sickness and in health, ’til death do us part.

‘Di ko inakalang maaaring mapanindigan ang pangakong ito sa taong hindi mo naman mapapakasalan.

Damang-dama ko ito sa pelikulang pinagsamahan nina Paolo Contis at Alessandra de Rossi bilang Ben at Jen.

Sa tagal ng kanilang naging relasyon, sa kanilang trip to Iceland na nagpabago ng kanilang buhay at hanggang sa pinakamahirap na pagsubok ng buhay ni Jen, hindi siya iniwan ni Ben kahit hindi naman na niya ito obligasyon.

Masasaksihan niyo ang klase ng pagmamahal na walang pagsisisi dahil totoo ang kanilang naramdaman at marami silang natutunan sa kanilang pinagdaanan.

Sid and Aya – Not a Love Story (2018)

Heartbreak: Dumating lang siya sa buhay mo para dumaan, hindi para manatili

Heartbreak level: 💔💔

Right love at the wrong time.

Cliche pero ‘yan ang tumatakbo sa isip ko habang pinapanood ko ang pelikulang ito nina Dingdong Dantes at Anne Curtis-Smith.

Madalas nagkikita ang dalawa sa isang coffee shop kung saan waitress si Aya at madalas niyang customer ang stockbroker na si Sid.

Isa lamang ito sa tatlong trabaho ni Aya dahil kailangan niyang ipagamot ang kanyang ama at pag-aralin ang kanyang kapatid, habang si Sid naman, nasa kanya na ang lahat ngunit hindi siya masaya sa kanyang buhay—hanggang sa lubusan niyang nakilala si Aya.

Tama nga siguro ang pamagat, this is not a love story.

Kahit umiikot ang storya sa pagmamahalan ng dalawa, kasama sa dahilan kung bakit hindi sila maaaring magsama dahil sa pagkakaiba ng kanilang social status—kahit handang sumugal si Sid sa kanyang nararamdaman, sadyang marami namang responsibilidad si Aya na kanyang prayoridad bago siya magkaroon ng kalayaang magmahal.

On Beers, Vodka and Regrets (2020)

Heartbreak: Gusto mo siyang iligtas at mahalin kahit tinutulak ka na palayo

Hearbreak rate: 💔💔💔  

Kailangan mo ng tulong, at hindi ako ‘yun. Ayaw kong sumuko, pero nahihirapan na’ko.

Sa ikatlong pelikula na pinagsamahan nina Bella Padilla at JC Santos, makikilala mo sila rito bilang si Jane, isang laos na artista at alcoholic na nakilala si Francis, isang vocalist ng banda na madalas tumutugtog kung saan madalas uminom si Jane.

Sa kabila ng mga isyu na kinasasangkutan at bisyo na ayaw bitawan ni Jane, pinili ni Francis na alagaan at mahalin siya. Pero sadyang may hangganan din ang lahat.

Sa pelikulang ito, mapagtatanto mo na kailangan mo talagang matutunang mahalin muna ang iyong sarili para kayanin ng puso mong magmahal at hayaan mo ring mahalin ka pabalik.

The Breakup Playlist (2015)

Heartbreak: Pinaikot mo ang mundo mo sa kanya pero napunta sa wala

Hearbreak rate: 💔💔💔💔

Mahal pa rin kita. ‘Pero anong ginawa mo sa’kin? Pinatay mo lang ako.

Ilang beses ko nang pinanood ang pelikulang ito pero dama ko pa rin ang sakit sa bawat pagkakataon. Kumbaga sa isang kanta, tagos sa puso ang bawat nota at linya.

Umikot ang istoryang ito kina Trixie (Sarah Geronimo) at Gino (Piolo Pascual), dalawang singer-songwriters na pinagbuklod at pinaghiwalay rin ng musika.  

Wala na sigurong mas sasakit pa na mapunta sa isang relasyon, kung saan binitawan mo lahat ng pangarap mo at nasaktan mo ang pamilya mo para suportahan at samahan ang isang taong inakala mong hindi ka sasaktan at bibitawan. Kakayanin mo pa bang magpatawad?

About the Author:

Subselfie - Apple

Apple Gamboa is the Life Editor of SubSelfie.com

She is also the Creative Team Lead of PayMaya, the leading digital financial services provider in the country.

She was previously a Media Relations Manager for Ogilvy Philippines and an interview and field producer for GMA News programs Quick Response Team and News to Go. She was also a producer of lifestyle TV shows and documentaries. Travelling and music are her passion, and taking risks is her reality medicine. Journalism 2010, UST. Read more of her articles here.

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.