
Lahat naman tayo, darating dito. Pero mapagdesisyon ang ilan. Sunud-sunod ang patayan.

Hilaan pababa. Mas clingy pa tayo sa mga alimasag.

Hitik rito ang ating lipunan. Ngunit ang ating kasaysayan ba’y may saysay? Lahat nga ba ng nasusulat sa aklat, katotohanan o may naipuslit na kasinungalingan?

Marami ang palasimba, pero ang ugali, kay sagwa. Kung iyan ang gawa, darating pa kaya ang awa? Siya nawa.

Ang bawat itinirik, isang kahilingan. Isa na nga ba rito ang pagbabago? Siya nawa.

Kailan nga ba naging madali ang paraan patungo sa tamang daan?
[Entry 262, The SubSelfie Blog]
Tungkol sa Manunulat:
Nasa ika-apat na taon na si Donna Alexis Salvador sa kursong AB Communication sa Pamantasan ng Silangan sa Caloocan. Manunulat siya ng sports para sa UE Dawn, ang opisyal na pahayagang pangmag-aaral ng kanyang unibersidad. Isa rin siyang advocate para sa kapakanan ng mga hayop at naglalaan din ng oras para sa mag-volunteer sa mga outreach program.