Year of the Rooster

Year of the Rooster. Written by the SubSelfie Blog.

Hudyat ang bagong taon ng simula ng panibagong siklo ng pag-ikot ng mundo sa Araw.

Natuldukan na ang mapanghamon at madalas malupit na mga araw ng 2016, subalit entrada lang ang mga iyon sa mga paparating pa ngayong bagong taon.

Bukod sa kapalaran ng bawat isa, o ang kahihinatnan ng tambalang KathNiel, JaDine at iba pa nating hinahangaan, kaabang-abang lalo ang kapalaran ng ating Bayan sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kabilang ang mga sumusunod sa listahan ng mga dapat bantayan:

  • Giyera sa droga, Oplan Tokhang at extra judicial killings
  • Pag-amyenda sa Konstitusyon upang maging federal ang sistema ng ating pamahalaan
  • Resolusyon sa West Philippine Sea
  • Relasyon sa Amerika, China at iba pang bansa
  • Patakarang pang-ekonomiya at OFWs
  • Pagbabalik ng parusang bitay at pagpapabata ng edad ng mga posibleng ikulong
  • Libreng matrikula sa mga pampublikong unibersidad at kolehiyo
  • Paghahanda at pagtugon ng pamahalaan sa kalamidad
  • Kalayaan sa pamamahayag at bagong modus ng mga social media troll

Walang kokontrang kulang ang isang taon para gumawa ng malawakan at pangmatagalang pagbabago, pero lalong walang kokontrang sapat na ito at baka sobra pa nga para gumawa ng maganda at makabuluhang panimula.

Kung magpapatuloy o magtatapos ang mga nasimulan noon o dating gawi, tayo ang makapangyayari. Sapagkat tayo ang nagbibigay-kahulugan sa pagpapalit ng taon, tayo rin ang may kakayahang magpaganap sa ating mga mithiin at mga pangarap.

Malupit ang nagdaang taon sa Pilipinas at sa buong mundo, mabuti na lamang at bitbit ng bagong taon ang pangakong posible pa ang magandang pagbabago at magandang bukas lalo kung sama-sama.

[Entry 195, The SubSelfie Blog]

Advertisements

2 Comments Add yours

  1. Toni Tiemsin says:

    Thank you for reading!

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s