Memories of Miriam

Memories with Miriam. Written by Bam Alegre and Rhyan Malandog for SubSelfie.com.

When I visited the home of Senator Miriam Defensor-Santiago in 2012, I was wearing an Iron Man shirt. I only just realized today that it described her well. She was the Iron Lady of Asia, after all. Yet after decades of public service, she had no need for nicknames. Her name was enough to sow fear in her enemies and to inspire love to her supporters.

2012 was a very busy year for Senator Miriam. As a segment producer, I was trying for months to book an interview with her but she couldn’t accommodate us because of the ongoing impeachment trial of Chief Justice Renato Corona that started in January. But when the proceedings adjourned in June, she let us in her home. Not once but twice.

June 1, 2012. I was the segment producer of Vicky Morales for the documentary Ang Hatol: Guilty.
June 1, 2012. I was the segment producer of Vicky Morales for the documentary Ang Hatol: Guilty.

miriam-defensor-santiago-vicky-morales-photo-by-bam-alegre-2012-subselfie-blog

senator-miriam-defensor-santiago-vicky-morales-photo-by-bam-alegre-2012-subselfie-blog

laughing-senator-miriam-defensor-santiago-photo-by-bam-alegre-2012-subselfie-blog

sen-miriam-defensor-santiago-photo-by-bam-alegre-2012-subselfie-blog

Before we left, I requested a message for my baby who was just two months old then. Senator Miriam’s words were very sweet. The youth should take this wisdom to heart.

After five days, I revisited Senator Miriam’s home with Jessica Soho for a taped one-on-one interview for State of the Nation.

June 6, 2012. I returned with Jessica Soho for a taped one-on-one interview for State of the Nation.

miriam-defensor-santiago-photo-by-bam-alegre-2012-subselfie-blog

She allowed us inside her office.
She allowed us inside her office.
Her desk.
Her desk. That library is just a wallpaper.
She showed us her real library. And it seems like a piece of UP Diliman is inside her home.
She showed us her real library. It was immense.
The real Oblation statue of UP Diliman is inside the University Library. Senator Miriam's library had a replica in her own mega-library.
The real Oblation statue of UP Diliman is inside the University Library. Senator Miriam’s library had a replica in her own archives.
Her stack of medicines.
Her stack of medicines. In 2012, she wasn’t battling lung cancer yet.
An immortal love.
An immortal love.

I’ve covered Senator Miriam numerous times during the impeachment trial of Chief Justice Renato Corona (who has also passed away). For six months, I monitored all her furious outbursts and funny quips. She was my inspiration why I compiled the monthly highlights of the trial. And I wish to thank her. This series of feature reports became my stepping stone to where I am now.

It was quite unfortunate that I didn’t get to know her intimately. She possessed an intellect that left her inferior opponents biting the dust; yet she connected profoundly with the millennials. In fact, during the necrological service for Senator Miriam, the chair of the Youth for Miriam Movement was one of the few chosen people who delivered a tribute for her:

Paalam sa Pangulo ng Kabataang Pilipino

Eulogy for Senator Miriam Defensor-Santiago. Written by Rhyan Malandog

Paano ko ba sisimulan itong liham ng pamamaalam? Kung ang bawat letra’y basa ng mga luha, ang mga salita ay naghuhumiyaw sa pighati at ang mga pangungusap ay naghuhuramentado sa kalungkutan ng iyong pagkawala. Nakakasilaw ang liwanag ng ilaw. Nakakahilo ang amoy ng mga puting bulaklak. Nakakabingi ang mga hikbi ng taong dumadalaw. Sa ikalawang pagkakataon nasa tagpo na naman ako ng pamamaalam. Sa ikalawang pagkakataon wasak na naman ako. At sa ikalawang pagkakataon nawalan na naman ako ng ina. Taong 2011 nang ma-diagnose ng Stage 4 lung cancer ang aking ina, dahilan para bawian sya ng buhay. At ngayong 2016 matapos ang ilang taong pakikipaglaban sa sakit na lung cancer, namaalam naman ang ina ng kabataang Pilipino —ang Iron Lady ng Asya, Miriam Defensor Santiago. Akala ko ubos na ako, akala ko ubos na ang luha ko, akala ko ubos na ang kahinaan ko, ubos na ang lungkot, akala ko kaya ko na sa ikalawang pagkakataon.

Akala ko lang pala, pero hindi, hindi pala.

Hindi ko alam kung bakit malala ang epekto mo sa aming kabataan. Daig mo pa ang superstar ng aming henerasyon. Siguro nga epekto ito ng Miriam Magic na patuloy na ipinapasa sa bawat henerasyon. Miriam Magic na ginigising ng pagiging makabayan ng kabataang Pilipino. Siguro ikaw ang perpektong instrumento para ma-fall kami sa ating bayan, yung mamahalin namin ito katulad ng pagmamahal mo.

Isang pribilehiyo na ikampanya ka at ipaglaban na maihatid ka sa Malakanyang. Nakaka-proud na isigaw ang iyong pangalan at ang sarap sa pakiramdam na magsuot ng kulay pulang damit na naka-imprenta ang pangalan at larawan mo. Madalas tulala kami sayo pag nariyan ka na, parang musika ang sigaw ng mga tao habang papasok ka na sa venue ng mga rallies natin. Grabe ka! Bukod sa nanay ko, ikaw lang ang paulit ulit na nagpapaiyak sa akin. Iba ang emosyon. Iba ang pakiramdam.

Allow me to tell the story of Young Red Armies: the Youth for Miriam Movement. Sinimulan namin ang laban noong October 2015 para suportahan ang kandidatura ni Sen. Miriam. Nagsimula ang laban sa isang simpleng group chat hanggang lumawak ito sa buong PIlipinas, mula sa Luzon, Visaya at Mindanao. Ang pulang sandatahan ng kabataang ito, hindi lang sa kanilang online space nakipagdigmaan maging sa labas ng kalsada, kaliwa’t kanan na caravan, flash mobs at kung anu-ano pang gimmicks kasama ang mascot na si Yamyam. Ginawa ito ng mga Miriam supporters ng libre at bukal sa loob dahil naniniwala kaming ang nag-iisang Iron Lady ng Asya ang pinaka-kwalipikadong kandidato na dapat mamuno sa ating bansa.

Fast forward. Natalo ang sandatahan at napabilang kami sa Camp Sawi. Pero sabi mo nga matapos ang botohan: “Cheer up people, ganyan lang talaga ang buhay! There is a dark night before the sun rises.” Pero paano na nga ba kami kung wala na ang sunshine ng kabataang Pilipino? Paano na ang ating pinaglalaban? ‘Yan ang mga tanong na nasa aming isipan. Pero hindi ang pagiging mahina ang iyong itinuro sa amin bagkus ang pagiging matapang at palaban na kabataan. Sawi man kami sa tagpong ito pero hindi namin ihihinto ang iyong laban para palaganapin ang kultura ng shared destiny. Talunan lang ang mga humihinto at wala sa bukabularyo ng mga Miriam Supporters yan. Sabi nga ng ating campaign jingle: “Bawat umaga kailangang harapin, mga pagsubok dapat daigin. Anuman ang humarang, anuman ang daluyong, hinding hindi magpapatalo.“ Dahil tayo’y Pilipino.

MDS, mamimiss ka namin, paano na ang Senadong napakagulo, hinihintay ka naming mambulaga sa Session Hall, suot ang putok na putok na pulang damit, para lecture-an ang mga Senador na parang mga batang nag-aaway ngayon.

Ang mala-thug life mong mga eksena sa Senado, miss na miss na namin. Paano na ang third installment ng librong Stupid Is Forever? Wala na bang Stupid Is Forever More More More? Kasi mas dumarami na silang stupid lalo na sa social media.

Boring na naman ang mga Commencement Exercises sa kolehiyo maging ang mga seminars dahil wala nang hihirit ng mga patok na pick-up lines bago ang seryosong tagpo ng speech mo.

Sa parte ng media people, nabawasan na rin ang mga pulitikong good take pag ini-interview dahil lahat ng mga lumalabas sa bibig mo, walang tapon. Pati mga highfalutin words and statements mo paano na? Wala na kaming mai-post na bago sa social media. Higit sa lahat ma-mimiss namin ang tunay na lingkod bayan, na hindi epal, hindi trapo kundi totoong nagbibigay serbisyo sa bawat Pilipino.

Sa tagpong ito, hindi ko mahabol ang mga titik ng kalungkutan. Hindi ko mahuli ang mga salitang naghahabulan sa magulo kong isipan. At hindi ko masalo ang mga pangungusap na nag-iiyakan. Ang nais kong sambitin ay… salamat Miriam. Salamat sa halos limang dekada ng tunay at buong pusong paglilingkod sa bawat Pilipino. Sa mga batas na iyong ipinasa at pinakikinabangan ngayon ng bawat isa. Salamat sa pagpapahalaga sa edukasyon, dahilan kung bakit ikaw ang inspirasyon ng bawat kabataang Pilipino na gustong magtagumpay sa larangang kanilang pinili. Salamat sa iyong mga pick-up lines na isang pagpapaalala na sa kabila ng seryosong pagtingin sa hamon ng buhay ay huwag tayong makalimot ngumiti at tumawa. Salamat sa iyong galing at dunong, dahilan kung bakit taas-noo ang bawat Pilipino saan mang panig ng mundo. Ikaw ang natatanging world class leader ng bansang Piipinas. Salamat sa paninindigan at pagtayo kahit karamihan sa lider ng bansa’y nakaupo. Hindi ka takot mag-isa at tumindig kung may maling nakikita. Pumupuri kung may tama, bumabatikos kung may mali. Pero ang pasasalamat na ito’y hindi sapat sa lahat ng iniambag mo sa ating bayan.

Naniniwala akong walang tuldok ang salitang “paalam,” bagkus karugtong nito ang pariralang “hanggang sa muli.” MDS, mahal na mahal ka ng kabataang Pilipino. Sa loob ng limang dekada si ‘Miriam ang Sagot’ sa bansa Pilipinas, sa puntong ito kabataan naman ang sasagot! Salamat at paalam sa pinakamamahal naming Iron Lady ng Asya — Miriam Defensor-Santiago.

About the Authors:

Rhyan Malandog.

Rhyan Malandog is the Chair of the Youth for Miriam Movement. He is also the Host and Program Manager of Kabataan On Air and Executive Director of Youth Media Network Philippines. Previously, he has also worked for GMA News and Public Affairs and TV5.

Bam Alegre.
Bam Alegre is the founder of SubSelfie.com and writes from time to time as a guest contributor. He is a News Reporter for GMA News (2012) and a Special Lecturer for the College of Arts and Sciences at the University of the East (2015). He was also part of the team that won GMA News the prestigious George Foster Peabody Award for the news coverage of super typhoon Yolanda (2013). Previously, he worked behind the scenes as a Segment Producer for State of the Nation with Jessica Soho and 24 Oras (2009-2012). He is also the vocalist, pianist and guitarist of the band No Parking (2005). BA Broadcast Communication 2007, UP Diliman. Read more of his articles here.

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.