Kababasa ko lang sa isang Facebook thread — gago raw ang media. Biased daw.
Paano? We feed you quality shows, and then what? Wala masyadong nanonood. The ratings, likes and shares show. Mas gusto niyong pagpiyestahan ang mga teleserye tungkol sa mga kabit at teenybopper, mga personal na buhay ng mga celebrity at opisyal ng gobyerno, at mga sex scandal. When we think of topics that sell: food, pets, sex, and violence. True story.
Pinaghihirapan namin ang mga balita. We strive to get all sides and facts. Pero mas gusto niyong i-share ang mga mali-maling meme.
Yes, the mainstream media has the tendency to make news events controversial and clickbait. Bakit nga ba? Kasi kapag hindi ginawa iyon, hindi niyo panonoorin o babasahin ang balita o istorya, kasi hindi kumiliti sa mga imahinasyon ninyo.
Many times we have tried to give the audience what they “need” but these programs eventually died because the audience still choose to watch what they “want.” That’s why there is this running joke among my colleagues: “Maiintindihan ba ‘yan ni Aling Barang?”
TV networks are indeed businesses. They need to earn to sustain the production, thus the need to capture the audience. How?
Hindi lang naman ang media ang biased at gago.
Biased din naman ang audience for choosing what they want to watch and hear, hindi ba? And there’s nothing wrong with that. Human nature na gusto natin ng entertainment at i-feed ang ating katuwaan. Human nature na maging selective tayo sa mga nakakakuha ng interes natin.
Pero sana, matuto rin tayong matuwa sa mga makabubusog din sa mga utak natin. At matuto rin tayong makinig sa iba at maging bukas sa ibang mga perspektibo. Hindi ‘yung nagmumura agad tayo at nawiwili sa name calling.
Gago rin ang mga government official natin na pinaiikot tayo at gumagawa ng circus na wala tayong choice kundi ibalita. The public deserves to see and know these things. Ito’y para makita natin kung gaano ka-gago ang mga iniluluklok natin sa puwesto.
Pero sana, tinitingnan din natin ang mga nasa likod ng circus. Inaaral din natin ang mga pangyayari. ‘Yung context. ‘Yung history.
Puwede naman kasing limang oras ang news program o sampung pahina ang news article, para malagyan natin lahat ng konteksto o backgrounder, at para masuri ang mga pangyayari. Kaso may manonood o magbabasa ba? Ayaw naman ninyo, ‘di ba?
Hindi ang media ang magliligtas at mag-aangat sa ating mga buhay. Hindi rin ang ating mga idolong artista o ang mga sinusuportahang pulitiko, kundi mga sarili lang natin mismo — ang paglaban natin sa bulag na pagsunod at kamangmangan.
[Entry 164, The SubSelfie Blog]
About the Author:
Shao Masula is the Supervising Producer for the award-winning GMA News TV documentary program Reel Time. She is also the Vice President of the Talents Association of GMA. She’s an out and proud lesbian.
Kung “gago” ang media, mas gago’t kalahati ang mga passive consumers at armchair activist na nasa Facebook lang ang tapang.
LikeLike
I know where you’re coming from but to those who don’t really care bec their minds are all made up and follow someone blindly, all media will still be biased if it contradicts their own belief even if you are telling it plainly, scholarly, in all honesty and truthfulness and matching proof and evidences. Baka murahin ka pa or worst i-tag ka for liquidation (which I fear the most specially when commenting on FB. BUT KEEP UP THE GOOD WORK IF YOU BELIEVE IN THE NEWS THAT NEED TO BE TOLD AS IT IS. SIX YEARS IS A LONG BATTLE TO RECLAIM THE HUMANITY WE CAN ALL LOSE IF NOBODY LIKE YOU WILL CONSTANTLY TELL THIS PRINCIPALITIES AND SPIRiTUAL FORCES FROM THE UNDERWORLD THAT PLAGUES OUR SOCIETY TODAY. GOD BLESS YOU.
LikeLike