Para kay Ama: Makuha Ka Po sa Isang Salita

Para kay Ama. Written by the SubSelfie Blog.

Haligi ng tahanan kung ituring, ilaw din tahanan para sa ibang pamilya, marami ang tawag natin sa kanya: Ama, Tatay, Papa, Pa, Paps, Daddy, Dad at marami pang ibang sa inyo lang may kahulugan.

‘Di man nagdugtong ang pusod natin sa kanila, siguradong sila rin ang dahilan kaya naririto tayo ngayon.

Kaya naman sa hirap o ginhawa, sa sama ng loob at ligaya, nararapat lamang na pasalamatan sila. Ang pagpupugay at pasasalamat ng mga manunulat ng SubSelfie.com sa mga ama, idadaan namin sa aming mga panulat.

Mabagsik

Isinulat ni Toni Tiemsin

Ilang beses mo akong napalo ng sinturon at hanger noong nagsisimula pa lang kaming magkamuwang sa mundo, at sindami ring beses noon ang paglalambing mo sa amin ni bunso na bati na tayo at kung gusto namin ng ice cream.

Ang mabagsik na karakter mo Tatay ang pirming nakatatak sa akin, magpahanggang ngayon. Ngayong kahit yayat ka na at kulubot na ang balat matapos ang mahigit anim na dekada mong pagsabak sa mundo at ilang taong paglabas-masok sa ospital dalawang beses sa isang linggo para linisin ang dugo mo.

Walang nabawas sa mga pagpalahaw ng mga mura mo at mga komentaryo sa mundo, pero habang papalapit ka na sa pagiging sisenta, nadadagdagan lang, bawat araw, ang pagmamahal mo sa amin. At dahil doon, mahal ka rin sa amin.

Takot sa ‘yo ang ‘yong mga apo dahil sa parating banta ng galit at palo, na hindi mo naman itinutuloy. Gusto ko ang pagmamahal mo sa Nanay at sa amin, pati sa ‘yong mga apo, na mabibilang lang sa daliri kung ilang beses mo sinabi, pero walang sandaling hindi mo ipinaramdam.

Para sa pagpapahiram sa akin sa aking mga pangarap, at para sa walang interes na gabay at pag-aalala sa akin para sa paggagad sa aking mga bituin, salamat at marami pang salamat, Tatay.

Mailap

Isinulat ni Lian Nami Buan

Anim na buwang gulang pa lamang ako nang pumanaw ka, at hanggang mag Grade 1 akala ko normal para sa mga bata na walang ama. Hanggang sa nagsimula na sila sa aking ikuwento na mayroon naman akong tatay, at sunud-sunod na ang pagpapakita sa akin ng mga picture.

Picture mo nang mag-graduate sa Mapua, picture niyo ni mama noong ikinasal, picture mong buhat si ate, at picture mo sa kabaong.

Sabi nila carbon copy daw kita. Pareho tayong makapal ang labi, pareho tayo mag-de-kuwatro sa upuan, pareho tayong mahilig sa maanghang, pareho rin daw tayong matapang.

Sabi nila henyo ka raw sa Math. Kaya ginusto ko ring maging magaling sa math. Ganun na lamang ang iyak ko noong Grade 4 nang hindi ko magawa ang 3-digit division sa exam namin. Hindi pala lahat, namana ko sa’yo. Papaano pa ako magiging Engineer, kagaya mo?

Nang matuklasan kong hilig ko pala ang magsulat, ikaw ang una kong naging paksa. Pero mahirap dahil hindi ko alam kung ano ang itatawag ko sayo, Papang, Tatay, Papa? Ginawa kitang inspirasyon sa lahat. At prinotektahan ko ang alaala mo kaya ganoon na lang ako mag-rebelde nang makita ko sa CD ng debut ni Ate na ang nakalagay sa “Parents,” hindi pangalan mo kundi ang tiyuhin na naming Briton.

Installment ang kuwento nila sa’yo. Nito ko nga lang nalaman na ang bumaril sa’yo sa ulo’y hindi isang Hapon kundi kapwa mo rin Pilipino. Kaya naman sa tuwing pag-uusapan ng mga kaibigan kung gaano nila kagustong makarating sa Japan para makita ang mga cherry blossom, ang tanging naiisip ko lang, ang imahe mong natutulog habang kinakalabit ang gatilyo ng baril ng lalaking hanggang ngayon ayaw pa rin nilang sabihin ang pangalan.

‘Yun na siguro ang pang-habambuhay na imahe sa akin ng Japan.

Natatandaan ko nang namatay sa plane crash si Secretary Jesse Robredo, at sinabi ng kanyang panganay na si Aika na maluwag sa puso nilang tinanggap ang pagpanaw ng kanilang ama dahil araw araw naman daw silang nakapagsabihan ng I love you.

Hindi ako nakapagpaturo sa iyo ng 3-digit division, hindi nakapagpabiyak ng siling sawsawan, hindi natawag na tatay, papa o anuman pero sa lahat ng ninakaw sa akin ito ang pinaka-kawalan, ang pagkakataong masabi sayo kahit isang araw lang na I love you.

Nito ko rin lang nalaman na noong college ka, dito ka rin nag dormitoryo sa Sampaloc kung saan ako nakatira. Napangiti ako kakaisip na siguro dinaanan natin ang mga parehong kalsada, na kahit dun man lang, nagtagpo ang ating mga yapak.

Ganyan ako ka desperado na humanap ng koneksyon sa’yo, kaya iniisip ko na lang na buti installment ang kuwento, lifetime supply kumbaga para hindi dumating ang araw na mauubusan ako ng alaala.

Ang pagkapurol ko sa Math ang siya namang kinahilig kong magbilang, magbilang ng mga pabor, ng mga kasalanan, na ginagamit kong sukatan para sa pagmamahal ng mga taong nakapaligid sa akin.

Gayunman, sinusubukan ko nang tigilan, dahil kung magbibilang ako, zero lang ang numero na lalabas, para sa kawalan ng pagkakataong masabi sa’yo na mahal kita.

Kaya pilit kong tinuturo sa sarili ang konsepto ng quality over quantity.

Na ang pagmamahal ay hindi nabibilang, at siguro nga’y hindi naman talaga dapat sinusukat, na hinahayaan na lang na maramdaman, manuot sa pagkatao, manalaytay sa dugo hanggang sa ito’y magkusa.

Magkusa na pumawi ng sakit, at magdulot ng kaligayahan kahit pa imposible sa konsepto ng Math ang magkaroon ng labis kung kulang ang pinagkuhanan.

Wala nga naman sigurong imposible sa pagmamahal, kaya naman araw araw hinihiling ko na hindi ring sana imposibleng malaman mo na mahal kita kahit hindi mo kailanman narinig.

Dahil, Papa, oo tatawagin na kitang Papa… mahal kita, higit sa kaya kong bilangin, higit sa kaya kong isulat, higit sa mga ipinagkait sa ating alaala.

Masipag

Written by Justin Joyas

Now you sit around the living room watching Eat Bulaga! or talking about how Bernie should just swallow his ego and step down for Hillary. Now you follow this routine of cleaning and looking after our cars. It is for exercise, you say. This must be retirement. It is not glamorous but it beats work. Right?

It must be because now I know, or starting to know, what you and mom did to make life better for me and my sister. It must have been hard for you to leave your family in Quezon for a life in Manila. It must have been scary to begin your career in Cubao working for Pizza Hut. (You are always fond of reminding us that.) It must have been hard to work, start a family, and endure every debt, loss, and disappointment that comes your way and still have love to give. It must have been.

Now that I am taking my own career path, I am starting to realize that being a grown-up is not and will never be easy. I have you and mom to blame for making it look like it’ a walk in the park. I thank you for that and I love you for that. Happy father’s day!

Masayahin

Isinulat ni Apple Gamboa

Isang tawa raw na may kasamang mga luha ang tangi mong nagawa noong iniluwal ako ni Mama sa mundo. Hindi mo raw kasi maipaliwanag ang galak na nararamdaman mo nang malaman mong sa wakas, natupad na ang iyong hiling na magkaroon ng babaeng anak, isang prinsesang iyong ituturing at laging pasasayahin.

Bata pa lang ako, tila ikaw na ang aking personal na payaso. Tuwing hindi ka darating sa tamang oras pagkatapos ng klase, iiyak lang ako sa isang sulok at magtatakip ng mukha, ngunit sa oras na hawakan mo na ang aking mga kamay at mag-make face ka, agad na humuhupa ang aking pag-iyak.

Tuwing may mababa akong marka sa eskwelahan, nasaktan na naman ako sa katangahan sa pag-ibig o nadapa sa pagsubok sa buhay, kakantahan mo lang ako, sasayawan o sasabihan ng corny jokes na mag-isa mo ring tatawanan, at para bang naiibsan na ang bawat sugat sa puso at nagiging pilat na lang ng kahapon.

Ikaw ang isa sa mga dahilan kung bakit kahit tila minsan nalulunod ako sa mga hamon sa buhay, ay nagagawa kong lagpasan ang lahat at idaan na lang sa pagtawa.

Salamat sa pagpapahiram ng kaligayahan, Papa. Mahal na mahal kita.

[Entry 148, The SubSelfie Blog]

About the Authors:

Toni Tiemsin is the Editor-in-Chief of SubSelfie.com. Presently, he is a Media and Communications Officer of the international NGO Save the Children. Before his work in the development sector, Toni was an Executive Producer for the hourly and breaking news spot of GMA NEWS, News Producer for its primetime newscast 24 Oras, and the Supervising and Associate Producer of the Special Assignments Team, the investigative and features unit Of GMA News. Journalism 2009, UP Diliman. Read more of his articles here.

Lian Nami Buan.
Lian Nami Buan is the Editor-in-Chief of SubSelfie.com. She also leads the #SubStory and #TanawMindanao segments of the website. She was a news producer for GMA News for six before she moved to England to take up her Masters in Digital Journalism.  She wants to shift focus to human rights, particularly indigenous people, women and migration. Whenever she has money, she travels to collect feelings for writing material. Journalism 2010, UST. Read more of her articles here.

Justin-Joyas-author-profile-SubSelfie-com

Justin Joyas is a contributor for SubSelfie.com and was part of the original roster that founded the site. Presently, he is a User-Generated Content Producer for YouScoop and GMA News. He also studied Mobile Journalism at  Konrad Adenauer ACFJ. He’s a newsroom ninja and protector of the realm who also wanders a lot. Literature 2008, DLSU. Read more of his articles here.

Apple Gamboa.

Apple Gamboa was an interview and field producer for GMA News, particularly the newscasts Quick Response Team and News to Go. She is currently a producer for lifestyle TV shows and documentaries. Travelling and music is her passion and she takes risks as her personal reality medicine. Journalism 2010, UST. Read more of her articles here.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s