Tambay Chronicles by Isay Reyes. Written for SubSelfie.com

Basta tambay, kadalasan, tamad na agad — walang ginagawa, walang magandang patutunguhan. Pero sa mga tulad kong naghahatid ng serbisyong totoo sa balita, isa ang pagtambay sa kailangan naming pag-aralan at paghandaan.

Minsan ngarag kami at kailangang mabilisang makapagbato ng balita. Minsan naman, may ilang oras na kailangan naming maghintay at tumambay! Yung tipong nabasa mo na lahat ng gusto mo, naubos mo na ang updates sa Twitter, Instagram at Facebook, na-chika mo na lahat ng kasama mo, ultimo guard at vendor!

With Hadji Rieta, Bam Alegre and Jay Sabale
With Hadji Rieta, Bam Alegre and Oscar Oida
With Bam Alegre, Oscar Oida and Mav Gonzales
With Bam Alegre, Oscar Oida and Mav Gonzales

Pero sa aking pagtambay, marami akong natututunan!

Pakikisama. Madalas, hindi ko kakilala ang mga kasama sa coverage! Kailangan maging pasensyoso at mapagkumbaba. Pangangalap ng impormasyon. Nakikihalubilo ako sa mga kapwa kong tambay na maraming alam. Pagsuyod ng pahayag. Minsan kailangang suyuin ang mga suspek para magsalita. Minsan nama’y napagsasabihan din sila na tipong daig pa ang na-biktima. Kailangang mapanuri; baka naman nagsasabi talaga ng totoo o baka lasing lang.

Nasanay na rin ako na pagsabayin ang pagiging extrovert at introvert. Isang oras, marami akong kausap. Mamaya, biglang may sarili na akong mundo kasi ubos na ang mga kwento ko.

Tambay sa paliparan habang naghihintay na dumating ang mga pulitiko o celebrity. Tambay sa mga opisina para sa presscon o briefing. Tambay sa newsroom habang naghihintay ma-check ang script. Tambay sa police station kung sakaling may krimen. Tambay sa mga monumento bago dumating ang mga ralyista.

Pangit maging tambay: nakakasawa, nakakaubos ng pasensya. Pero ganito talaga. Ito ang isa sa mga puhunan ko sa larangang aking pinili. Sa pagtambay, marami akong natututunan sa mga tao sa paligid ko — mga taong hindi ko naisip na masayang makakwentuhan.

Nakikita ko rin ang dedikasyon ng mga nakakasalamuha ko — mapa-kapwa ko tambay sa media, tindera at pulis. Kahit nga mga adik at kriminal! Dedicated silang mag-deny hanggang sa huli. Kaya huwag husgahan ang mga tambay! Kanya-kanya lang yan!

With Cyclops!
With Cyclops!
With Boy P.
With Boy P.
With Edrhette and Winston.
With Edrhette and Winston.

[Entry 14, The SubSelfie Blog] 

About the Author:

Isay Reyes is a news reporter for GMA News. Prior to this, she worked as a segment producer for the network’s Public Affairs Department.

6 responses to “Tambay Chronicles by Isay Reyes”

  1. […] Sidebar: Mav’s batchmate in GMA News is Isay Reyes. Here’s her guest blog — Tambay Chronicles […]

    Like

  2. […] Sidebar: Mav’s batchmate in GMA News is Isay Reyes. Here’s her guest blog — Tambay Chronicles […]

    Like

  3. […] The life of a TV reporter is full of action but what happens behind the scenes when one has to play the waiting game? Read — Tambay Chronicles by Isay Reyes […]

    Like

  4. […] Subselfie’s first guest blogger was GMA News Reporter Isay Reyes. In her entry, she talked about what is perhaps the most boring yet most challenging part of being a reporter: waiting! Sometimes, the best stories pop out when you’re about to snooze off: Tambay Chronicles by Isay Reyes. […]

    Like

  5. […] Our first guest writer was another GMA News reporter — Isay Reyes! She talked about the waiting game during news field coverage in this article — Tambay Chronicles. […]

    Like

  6. […] Before Micaela, another fellow GMA News reporter also made a guest post — Isay Reyes! She wrote a candid and amusing take on our lives as reporters with Tambay Chronicles. […]

    Like

Leave a comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Trending

Join 17.6K other subscribers