Manobo: Dugo sa Lupaing Ninuno

“Mag-ingat kayo sa mga Manobo. Hindi edukado ‘yan. Lolokohin lang kayo ng mga ‘yan.” Iyan ang unang babalang natanggap namin sa muling pagtungtong namin sa Mindanao ngayong Agosto. Isang pa-retirong guro sa bayan ng Hinatuan ang nagpabatid sa amin nito — ang mga Manobo’y wala raw pinag-aralan at mga mandurugas. Hindi raw sila dapat pagkatiwalaan sa aming…