Ang Resureksyon ng ROTC

Ang Resureksyon ng ROTC. Isinulat ni Edrian Morales para sa SubSelfie.com.

Pormal nang inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang sapilitang pagpasok ng lahat ng mag-aaral sa Grade 11 at 12 o Senior High School sa Reserve Officers Training Course (ROTC).

Sa pagbubukas ng Palarong Pambansa sa Antique noong Abril 24, nagbanta pa ang Pangulo sa mga umaalma sa ROTC na posible pa siyang magpatupad ng sapilitang pagsisilbi sa militar—gaya raw ng mga bansang Indonesia, Malaysia, Israel at Singapore.

Duterte-ROTC-Subselfie-Davao Today
Nagbanta si Pangulong Duterte sa mga umaalma sa ROTC. Posible raw siyang magpatupad ng conscription o sapilitang pagsisilbi sa militar. Kuha ng Davao Today

“Bakit mo tanggalin ‘yang ROTC na kung magkagulo tayo, kayong mga ROTC ang magturo sa sibilyan kung paano mag-cock ng baril, paano mag-load sa magazine at paano mag-repair, and how to fight,” sabi ng Pangulo sa kanyang talumpati sa harap ng daan-daang batang atleta sa Antique.

Ang Estados Unidos ang nagpakilala ng ROTC sa bansa noong 1912. Dalawang taong military training ang kailangang pagdaanan ng mga lalaking nasa kolehiyo — isang paghahanda sakaling sumiklab ang isang digmaan.

Ipinahinto ang pagpapatupad ng ROTC nang lumala ang mga kaso ng karahasan at pang-aabuso sa mga unibersidad. Nagkaroon din ng problema sa paggamit sa ROTC bilang daluyan ng korapsyon, hindi lang ng mga pamantasan kundi maging ng pamahalaan.

Sa Unibersidad ng Santo Tomas (UST) noong 2001, naitala ang karumal-dumal at walang-awang pagpaslang sa kadeteng si Mark Chua, matapos siyang maging whistleblower sa mga umano’y katiwalaan sa ROTC. Matapos ang kanyang pagtestigo, natagpuan na lamang ang kanyang katawan sa Ilog Pasig malapit sa Intramuros sa Maynila.

Sa kaso naman ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) lalabagin ng sapilitang ROTC ang Prudente-Ramos Accord na nagbabawal sa presensya ng militar sa loob ng pamantasan, gayundin ang pagpapatupad ng distansyang limampung kilometrong mula sa mga sundalo

Sa kasalukuyan, may mahigit 5,000 ang nag-aaral ng Senior High School sa PUP. Sa pagtataya ng SubSelfie.com batay sa enrolment noong School Year 2015-2016 mula sa datos ng DepEd, humigit-kumulang tatlong milyong estudyante ang pasok sa sapilitang ROTC.

Apektado nito ang 5,965 pampublikong paaralan at 4,711 na pribadong paaralan na kapwa may Senior High School, ayon din sa datos ng ahensya.

img_0629

Sa kasakuluyan, may karapatang mamili ang mga nasa kolehiyo kung nais nilang sumalang sa ROTC, o hindi kaya’y sumailalim sa Civic Welfare Training Service kung saan maaaring magserbisyo ang mga estudyante sa komunidad. Maaari ring piliin ang Literacy Training Service kung saan posible naman silang tumulong sa pagtuturo ng pagbasa sa mga bata. Alinsunod ito sa pagsasabatas sa National Service Training Program law.

Ang muling pagbabalik ng ROTC, pagtalikod sa kamatayan ni Mark Chua gayundin sa iba pang nakaranas ng pandarahas sa nasabing programa.

Tinuturuan lamang ng programang ito ang mga estudyante ng pasismo gayundin ang pagpapadaloy ng mersenaryong tradisyong militar sa loob ng mga paaralan.

Hindi dapat tinatakpan ng pamahalaan ang kalupitan sa likod ng ROTC sa pamamagitan ng mga pahayag na matuturuan nito ang mga estudyante na maging makabayan at disiplinado, sapagkat sa totoo’y pinapalabnaw nito ang diwang makabayan ng mga kabataan, dahil sa pagpapalit nito sa mukha ng pandarahas at pasismo.

Kung tunay na layunin ng pamahalaan ang ikabubuti ng kalidad ng edukasyon, mas dapat na ituon nito ang pansin sa lumalaking bilang ng mga hindi pa rin makapag-aral. Ito’y dahil nananatiling pribilehiyo ang edukasyon, na siyang pangunahing resulta ng kahirapan.

Hindi darating ang pagbabago na sinasabi ng Administrasyon kung patuloy ang mga programa na hindi naman tumutuldok sa daing ng mga naghihirap pa ring mga Pilipino.

Hindi kailanman magiging sagot ang karahasan sa paglikha ng inaasam nating kaunlaran at pagbabago sa lipunan.

[Entry 217, The SubSelfie Blog]

Tungkol sa Manunulat:

edrian-morales.jpg
Isang Senior High School student si Edrian Morales ng Polytechnic University of the Philippines. Minsan siyang nagsilbing Student Council President sa Holy Spirit National High School sa Quezon City. Basahin ang mga nakaraang artikulo niya rito.

3 Comments Add yours

  1. I joined CAT in high school. I was a marksman. Discipline and self-confidence – traits I got from joining. Maybe, Citizen Advancement Training could be an alternative.

    Like

  2. elizabeth cooper says:

    there is no point in this so called ROTC training – as war these days are conducted by highly technical war machinery, not your dime store guns like those ejk murderers use in the Philippines. the next war the Philippines will suffer will be dominated by those who have and know how to use bomber planes, missile launchers, land mines, etc, not second hand hand -me -down guns and rifles. the world of war has flown on.

    Liked by 1 person

    1. Bam Alegre says:

      We can also argue that the battle is becoming more digital even — and it’s not even a clash of brawns already.

      Like

Leave a Reply to Jannis Juanico Cancel reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.