Sentro sa isang serye ng diskusyon sa UP Diliman sa Hunyo 10 at 11 ang pagtitiyak ng ligtas na tanghalan saan man sa bansa.
Ito ay tatakbo sa loob ng dalawang araw na naglalayong magbigay diskusyon tungkol sa pagkakaiba ng kultura at ligtas na espasyo sa loob ng teatro sa pamamagitan ng mga porum at workshop.
Ang Pagkakaiba’t Pagkakaisa: Hinabing boses ng kabataan para sa Isang Ligtas na Tanghalan sa Iba’t ibang lalawigan, ay proyektong pinamumunuan ng mga mag-aaral ng Associate in Arts (Theatre) mula sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman, kumukuha ng Theatre 198 (Special Projects) sa ilalim ng pamumuno ni Prof. Maria Stella Rossa Lopez.
Ang mga kalahok ay kinabibilangan ng mga kabataang may edad na 18-23 taong gulang mula sa iba’t ibang lalawigan ng bansa na interesado sa pagsasanay ng teatro. Online ang unang araw, habang gaganaping harapan sa UP Diliman ang ikalawa at huling araw ng forum workshop.
Ang Pagkakaiba’t Pagkakaisa: Hinabing boses ng kabataan para sa Isang Ligtas na Tanghalan sa Iba’t ibang lalawigan, ay proyektong pinamumunuan ng mga mag-aaral ng Associate in Arts (Theatre) mula sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman, kumukuha ng Theatre 198 (Special Projects) sa ilalim ng pamumuno ni Prof. Maria Stella Rossa Lopez.
Ito ay isinasagawa rin sa pakikipagtulungan sa PETA Lingap Sining, UP Diliman Gender Office, UP Diliman Office of Anti-Sexual Harassment, DZUP, SubSelfie.com at Agimat.
Narito ang mga paksang tatalakayin sa nasabing serye:








Leave a comment