Para kina Jeng at Jomar Fausto, “faith, prayer, and love” ang pangunahing sangkap ng kanilang samahan.
Hindi importante ang magarang kasal dahil pinakamahalaga sa kanila ang basbas o blessing ng simbahan. Kaya sa kabila ng pandemya at umiiral na Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ), itinuloy nila ang matagal na nilang pinaplanong kasal noong Linggo sa San Fernando City sa Pampanga.
“Walang imposible sa taong nagmamahal”, sabi pa ni Jomar.

Wala mang bisita, makabuluhan pa rin ang okasyon dahil naroon ang kanilang mga magulang at pamilya.
Paano nga ba nila nairaos ang kasalan?
“Nagpaalam at nakiusap kami. Dahil MECQ, naging virtual ang pre-cana (marriage preparation) seminar at transactions sa suppliers,” kwento ni Jeng.


Hindi sila nahirapan dahil supportive at accommodating ang mga napili nilang supplier. Dahil nga intimate at limitado ang galaw, isang photographer ang kinuha nila para ma-document ang kasal at kinuha lang nila ang mga handa sa caterer pagkatapos ng seremonya sa simbahan.






Bukod sa pagsunod sa quarantine protocols, pinaalalahanan ang bagong mag-asawa na “laging manalig at mag-tiwala sa Diyos.”

[Entry 306, The SubSelfie Blog]
About the Author and Photographer:

Gerald Gloton is a Crisis Team Officer and visual story teller. Gerald is impassioned in capturing moments from field assignments and framing portraits of his subjects who have various messages for the world to witness.

Sina Jeng at Jomar ay patunay na minsan kahit mukhang imposible na ang sitwasyon, ang Panginoon laging may rason.

[Entry 306, The SubSelfie Blog]
About the Author and Photographer:

Gerald Gloton is a Crisis Team Officer and visual story teller. Gerald is impassioned in capturing moments from field assignments and framing portraits of his subjects who have various messages for the world to witness.
One Comment Add yours